Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Kahanga-hangang pagtubos

PAPURI SA PANGINOON SA KANYANG KATUBUSAN

Tagalog116
1
Kahanga-hangang pagtubos
Buhat sa Iyo, Hesus.
Di nakita, di nabatid
Sa ’kin, pinahatid.
Mahiwaga’t dibino Ka,
Higit sa mawika!
Katubusang mahiwaga,
Kapuri-puri nga!
2
D’hil sa ’min Ika’y tinulos,
Dugo’t tubig ’magos;
Buhay ang napasa amin,
Nang kami’y tubusin.
Sa dugo’y nilinis kami,
Nang matanggap, kami
’Sinilang-muli, sa buhay
Ika’y kaisang tunay.
3
Trigong butil, namatay Ka.
Maraming ’binunga,
At nabuong Iyong Katawan,
Pinag-isang tanan.
Kami ay Iyong karagdagan
Ika’y nilalaman,
Nabubuhay Ka sa amin.
At nahahayag din.
4
Yamang kami’y Iyong Katawan,
Sa ami’y tumahan;
Tahanan Mo’y kamtin sa ’min,
Kami’y Iyong manahin.
Puso Mo’y bigyang-ligaya,
Kami’y kapareha,
Bilang Katawan Mong isa,
Lahat Mo’y tamasa.
5
Habang ginugunita Ka,
Sagisag nakita;
Pagtubos dakila’t puno,
Papuri ay sa Iyo.
Yamang kami’y Iyong Katawan,
Sinta at tahanan,
Pasalamat at papuri,
Pagsamba’y Iyong lagi.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.