Bakit ako manlalamig
1
|
Bakit ako manlalamig Sanhiin Kang mapighati Ika’y paghintayin? Nais Kitang mabalikan Hinding-hindi talikuran, At laging susundan. |
2
|
Nais kong ialay sa Iyo, Ang buo kong pagkatao, Mundo ma’y lumaho, Nawa ako’y Iyong tanggapin Ang kalooban Mo’y sundin Lagi kong hangarin. |
3
|
Lumingon akong nagsisi, Naligtas ko’y kakaunti Lungkot di mawari. Hesus, ako’y Iyong pahiran, Katauhan ko’y babaran. Maging Iyong daluyan. |
4
|
Biyaya Mo’y kay dakila, Higit sa kaibigan Ka, Dapat lang masamba. Umaasa sa buhay Mo, Bumahagi sa hirap Mo, Nang mabagong buo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?