Kamatayan Niya’y nabilang sa ’kin
1
|
Kamatayan Niya’y nabilang sa ’kin, Dibinong buhay binigyan ako; Luwalhati Niya ay hihintayin, Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo. |
Laging iingatan ng pag-ibig, Laging buhay ay aking matamo, Laging kay Hesus ako’y tumitig, Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo. |
|
2
|
Walang labanang di Siya’ng namuno, Walang tagumpay di Siya’ng nagbigay; Hanggang sa kamtin ang putong, trono, Bawa’t sandali, Siya ang kaakbay. Laging iingatan ng pag-ibig, Laging buhay ay aking matamo, Laging kay Hesus ako’y tumitig, Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo. |
3
|
Walang subok di Siya mag-alalay, Walang pasan di Niya akong ibsan, Walang lungkot di Siya nakiramay, Bawa’t sandali, aalagaan. Laging iingatan ng pag-ibig, Laging buhay ay aking matamo, Laging kay Hesus ako’y tumitig, Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo. |
4
|
Walang sakit at walang halinghing, Walang luha at walang hinaing, Walang panganib di Niya pansinin, Bawa’t sandali, ako’y isipin. Laging iingatan ng pag-ibig, Laging buhay ay aking matamo, Laging kay Hesus ako’y tumitig, Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo. |
5
|
Walang mahinang di Niya tulungan, Walang sakit di Niya pagalingin, Bawa’t sandali, lungkot, tuwa man, Pangino’ng Hesus, kasama pa rin. Laging iingatan ng pag-ibig, Laging buhay ay aking matamo, Laging kay Hesus ako’y tumitig, Bawa’t sandali, ako ay sa Iyo. |