Hiwaga inihayag Mo
1
|
Hiwaga inihayag Mo; Kasama Mong namatay ’ko; Walang ibang lakas, daan, Nang magtagumpay sa tanan. |
2
|
Akin na rin nga ang krus Mo, Sumilay liwanag nito; Nang nanalig kasama Mo, Nawalan ng lakas mundo. |
3
|
Yamang kasamang napako, Sala’t sarili natili; Di na hangad makalupa, Di na asam mundong pala. |
4
|
Kaya mas lalapit ako, Sa lupang kamatayan Mo; Buhay, awtoridad Mo’y ’kin, ’Pagkat Ika’y kaisa rin. |
5
|
’Parito Mo dyablo’y talo, Bagsak gawa’t lakas nito; Sa ’yo matagumpay ako, Mapatunayan lakas Mo. |
6
|
Aking pag-asang tagumpay, Lubos sa Iyong pagkamatay; Landas Mo’y aking lakad din, Hanggang gol ng Diyos abutin. |
7
|
Namatay na kasama Mo ’Bigay sa ’kin ’Spiritu Mo; Maunawa kahulugan, Maligtas sa sala’t laman. |
8
|
Nais kong magtagumpay nga, Kasama Mong maghari pa; Basta sa krus may bahagi, Mapasaatin l’walhati. |