Hindi mabigkas ng labi
1
|
Hindi mabigkas ng labi Laya ng nilalang; Na sa suhol ay tumanggi Mapasa Diyos lamang. Kanya ang lahat ng bagay, Buhay, kamatayan, Si Kristo ang kanyang buhay, Hininga’t tirahan. |
2
|
Kung katulad lamang natin Hari ang humirang; Kataka-takang tanggihan Maging Kanya lamang. Huwag mong sabihing pagdurusa, Anong karangalan: Sa makalangit na hukbo Ika’y mapabilang. |
3
|
Gising! Tanggapin ang alok, Tingi maging buo! Mga tao’t pangyayari, Maglilingkod sa iyo. Sa iyo ang lahat ng bagay, Kung ikaw ay Kanya. At may walang hanggang buhay. Ikaw sa loob Niya. |