Marami ang sumisiksik sa kaharian

C349 CB472 E472 K349 P215 R324 S195 T472
1
Marami ang sumisiksik sa kaharian,
Nguni’t sa krus kakaunti ang pumapasan;
Sakim sa biyaya, mundo’y hindi matakwil;
Nais pagpalain ng Diyos, sa Diyos ay suwail.
Marami ang sumisiksik sa kaharian,
Nguni’t sa krus kakaunti ang pumapasan;
Sakim sa biyaya, mundo’y hindi matakwil;
Nais pagpalain ng Diyos, sa Diyos ay suwail.
2
Marami ang naghahangad ng luwalhati,
Sa kadustaa’y walang makikibahagi;
Ibig ay maghari, nguni’t ayaw malugi -
Para kay Kristo, ituring lahat na dumi.
Marami ang naghahangad ng luwalhati,
Sa kadustaa’y walang makikibahagi;
Ibig ay maghari, nguni’t ayaw malugi -
Para kay Kristo, ituring lahat na dumi.
3
Marami ang kumakain sa Kanyang hapag,
Subali’t sa pag-ayuno walang kaharap;
Di mabilang ang umawit na kasama Niya,
Subali’t sa pagbabantay ay halos wala.
Marami ang kumakain sa Kanyang hapag,
Subali’t sa pag-ayuno walang kaharap;
Di mabilang ang umawit na kasama Niya,
Subali’t sa pagbabantay ay halos wala.
4
Kung inihanda ng Panginoon ang lahat,
Sila’y magpupuri at magpapasalamat,
Nguni’t kung ang Panginoon ay makikiusap,
Uutusan lamang ay tumututol agad.
Kung inihanda ng Panginoon ang lahat,
Sila’y magpupuri at magpapasalamat,
Nguni’t kung ang Panginoon ay makikiusap,
Uutusan lamang ay tumututol agad.
5
Nguni’t ang mga umibig sa Panginoon,
Dalita o pagpapala di tinatanong,
Handang ialay kanilang buhay at dugo,
Bigyan Mo ako ng pag-ibig tulad nito.
Nguni’t ang mga umibig sa Panginoon,
Dalita o pagpapala di tinatanong,
Handang ialay kanilang buhay at dugo,
Bigyan Mo ako ng pag-ibig tulad nito.