Hesus ako’y kaisa Mo
1
|
Hesus ako’y kaisa Mo, ’Sang espiritu sa Iyo; Lahat Mo ngayon, taglay ko, Tahan sa ’kin lahat Mo. |
Kaisa Mo Hesus, Kaisa Mong lubos; Yaman Mo aking bahagi, Lahat Ka sa ’kin lagi. |
|
2
|
Makabahagi nga ako Sa pantaong buhay Mo; Ang ganap na pagsunod Mo, Laan sa paggamit ko. |
3
|
Sa pagkapako kaisa Mo, Sa krus ako’y namatay; Patay na sa sanlibutan, Sanlibutan di’y patay. |
4
|
Panginoon kaisa Mo, Sa muling-pagkabuhay; Ang buhay na Ikaw Mismo, Ngayon ay aking taglay. |
5
|
Sa pag-akyat kaisa Mo, Sa langit kasama Mo; Dito’y manlalakbay ako, Buhay ko’y kubli sa Iyo. |
6
|
Sa pagkaluklok kaisa Mo, Awtoridad taglay ko, Katulad na kaisa Mo Sa buhay, espiritu. |