Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Download limit reached

Tagalog1117
1
Purihin Ka Diyos,
Sa Espiritu Mo
Na pumasok sa akin
Naging buhay ko.
Aleluya! Espiritu!
Nasa loob ko na!
Aleluya! Walang hanggang
Buhay sagana!
2
Awitin natin
Ang Isang dumating
Espiritu ng buhay
Kaisa natin.
Aleluya! Si Hesus nga,
Ngayon ay higit pa!
Buhay nating walang hanggan,
Espiritu Siya!
3
Naisilang-muli,
Binabagong lubos,
Tayo’y napapawangis
Sa Anak ng Diyos.
Aleluya! Binuhay na,
At tinatransporma,
Aleluya! Mapawangis
Sa larawan Niya.
4
Mawangis tayo
Dahil sa pagkain
Sa buhay Niyaong laging
Nagtustos sa ’tin.
Aleluya! Kaligtasan!
Aleluya! Tunay!
Aleluya! Kay sagana
Sa ating buhay.

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.