Kay l’walhati at kay banal

B360 C443 CB602 E602 F121 G602 K443 P309 R437 S284 T602
1
Kay l’walhati at kay banal!
Diyos ay buhay walang-hanggan!
Kay lakas, wagas, at sakdal
Liwanag, habag, at yaman!
Kapuspusan ng pagka-Diyos
Sa buhay rito’y lubos.
Kay l’walhati at kay banal!
Diyos ay buhay walang-hanggan!
Kay lakas, wagas, at sakdal
Liwanag, habag, at yaman!
Kapuspusan ng pagka-Diyos
Sa buhay rito’y lubos.
2
O pag-ibig at biyaya!
Diyos ay buhay ng tao nga!
May ’spiritu nilikha Niya
Nang doon makapasok Siya.
Ang kaluguran ng Diyos ay
Maging sa tao’y buhay.
O pag-ibig at biyaya!
Diyos ay buhay ng tao nga!
May ’spiritu nilikha Niya
Nang doon makapasok Siya.
Ang kaluguran ng Diyos ay
Maging sa tao’y buhay.
3
O pag-ibig at biyaya!
Diyos ay buhay na umagos!
Dati’y kubli, ngayo’y hayag,
Dati’y nagkatawang-tao,
Ngayon Siya ay Espiritu
Naging buhay ng tao.
O pag-ibig at biyaya!
Diyos ay buhay na umagos!
Dati’y kubli, ngayo’y hayag,
Dati’y nagkatawang-tao,
Ngayon Siya ay Espiritu
Naging buhay ng tao.
4
Kay talik, kay lapit nito!
Diyos na kay Kristo’y buhay ko!
Pahayag ng Diyos si Kristo,
Diyos ay nasa lamang-tao;
Namatay, muling nabuhay,
Sa tao’y naging buhay.
Kay talik, kay lapit nito!
Diyos na kay Kristo’y buhay ko!
Pahayag ng Diyos si Kristo,
Diyos ay nasa lamang-tao;
Namatay, muling nabuhay,
Sa tao’y naging buhay.
5
Kamangha-mangha at tapat!
Diyos ay naging Espiritu!
Pahayag na realidad -
Siya rin sa isa pang anyo;
Tao’y hinihikayat Niya
Nang matahanan sila.
Kamangha-mangha at tapat!
Diyos ay naging Espiritu!
Pahayag na realidad -
Siya rin sa isa pang anyo;
Tao’y hinihikayat Niya
Nang matahanan sila.
6
Kay tunay at kay halaga!
Tatlo-Isang Diyos ay buhay!
Anak ang agos ng Ama,
Buhat naman sa Anak ay
Espiritung nagkaloob
Ng buhay sa ’king loob.
Kay tunay at kay halaga!
Tatlo-Isang Diyos ay buhay!
Anak ang agos ng Ama,
Buhat naman sa Anak ay
Espiritung nagkaloob
Ng buhay sa ’king loob.
7
Kay hiwaga at totoo!
Diyos pumasok bilang buhay!
Sa loob ko, kaisa ko,
Sa ’spiritu’y aking buhay.
Aleluya, purihin Siya,
Diyos ay aking buhay na!
Kay hiwaga at totoo!
Diyos pumasok bilang buhay!
Sa loob ko, kaisa ko,
Sa ’spiritu’y aking buhay.
Aleluya, purihin Siya,
Diyos ay aking buhay na!