Iyong Katawan, kami’y nagkakatipon
1
|
Iyong Katawan, kami’y nagkakatipon: Marami man, subali’t iisa; Bilang sangkap, kami’y bumabahagi Ng buhay Mo, kaya’t nagkaisa. |
Sa sansinukob, may ’sang Katawan, Dito sa lupa’y nahayag; Sa bawa’t lokalidad ay isa Upang makita ng lahat. |
|
2
|
Tanda ng Katawan Mo’y ’sang tinapay Nabasag para sa mga banal; Habang ang tinapay ay kinakain, Kaisahan nami’y tinatanghal. |
3
|
’Sang tinapay, ’sang saro nasa dulang, Inihayag ang pagkakaisa; Tinubos at inangking Katawan Niya: “Amen, Panginoon, kami’y isa!” |
4
|
Nakatayong buo, di mahahati, Dahil si Kristo ang kaisahan; Lumalahok sa ’sang saro’t tinapay, Kaya’t kaisaha’y mamamasdan. |
5
|
O, kay saya, taglay ang kaisahan! Dama naming Ika’y nasisiyahan; Kami’y nagkaroon ng kagalakan - Aming natitikman ang kasalan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?