Panginoon kong sinta

C138 CB169 D169 E169 G169 K138 P80 R122 T169
1
Panginoon kong sinta,
Mahal, hirang ng Diyos!
Higit sa Iyong kasama,
Pinahiran ng Diyos.
Panginoon kong sinta,
Mahal, hirang ng Diyos!
Higit sa Iyong kasama,
Pinahiran ng Diyos.
 
Aming hinahangaan
Ang Iyong kabanguhan,
Ang Iyong kahalagahan,
At Iyong katamisan.
Aming hinahangaan
Ang Iyong kabanguhan,
Ang Iyong kahalagahan,
At Iyong katamisan.
2
Higit na marilag Ka
At kaibig-ibig;
Bibig Mo’y mabiyaya,
Puso ko’y umibig.
Higit na marilag Ka
At kaibig-ibig;
Bibig Mo’y mabiyaya,
Puso ko’y umibig.
3
Mahal Ka sa pagsilang,
Pantas ay nag-alay;
Mahal sa kamatayan,
Pinahirang tunay.
Mahal Ka sa pagsilang,
Pantas ay nag-alay;
Mahal sa kamatayan,
Pinahirang tunay.
4
Ulo Mo’y pinahiran,
Kamahal-mahalan;
Paa Mo’y pinahiran,
Mahal Kang lubusan.
Ulo Mo’y pinahiran,
Kamahal-mahalan;
Paa Mo’y pinahiran,
Mahal Kang lubusan.
5
Kamatayan Mo’y mira,
Pang-alo sa tao;
Pagkabuhay espesia,
Sa Diyos yaring samyo.
Kamatayan Mo’y mira,
Pang-alo sa tao;
Pagkabuhay espesia,
Sa Diyos yaring samyo.
6
Sa aki’y samyong mira,
Ganda ng alhena,
Puno ng mansanas Ka,
Sagana sa bunga.
Sa aki’y samyong mira,
Ganda ng alhena,
Puno ng mansanas Ka,
Sagana sa bunga.
7
Mainam kaysa alak
Ang pagmamahal Mo;
Unggwentong halimuyak,
Taglay ng ngalan Mo.
Mainam kaysa alak
Ang pagmamahal Mo;
Unggwentong halimuyak,
Taglay ng ngalan Mo.
8
Di lang ginugunita
Ang Iyong kabutihan,
Bagkus tinatamasa
Ang Iyong katamisan.
Di lang ginugunita
Ang Iyong kabutihan,
Bagkus tinatamasa
Ang Iyong katamisan.