Sa hapag ng pag-ibig

1
Sa hapag ng pag-ibig,
May tinapay at saro;
Pagbahagi sa tanda,
Ika'y aming 'tamasa.
Sa saro, salamat nga,
Saro ng pagpapala,
Saro ng kaligtasan,
Saro ngang Ika'y tanan.
2
'To'y dugo Iyong dinanak
Nang sala'y mapatawad
'To'y tipan para sa'min,
Nang pala mapasa'min.
Saro ng poot ay Iyo
Kam'tayan tinikman Mo,
Pala dala ng saro,
Bahagi kong natamo.
3
Diyos naiwala ni Adam,
Sa saro'y muling 'kamtan;
Pagbubo ng Iyong dugo,
Diyos naging b'yaya ko.
Katubusan at buhay,
Sa saro'y tinataglay;
Tanang ninais ng Diyos,
Sa saro'y aking lubos.
4
Bahaging walang hanggan,
Ang sarong umaapaw;
Makalangit tamasa,
Sa sarong disenyo Niya.
Sa pag-ibig inumin,
Nang Ika'y gunitain;
Tanggapin sa 'spiritu,
Gawa Mo sa Kalbaryo.