Lihim Bukal ng payapa
1
|
Lihim Bukal ng payapa, Sapat, dibinong pagsinta; Aking tulong at pag-asa, Ligtas ako, kung akin Ka; Mula sa sala’t pighati, Sa Iyo ako nagkukubli. |
2
|
Ikaw lahat kong kailangan, Sa pagod, kapahingahan; Lunas sa sugat ng puso, Kapayapaa’t pag’tamo; ’King ngiti sa mapandusta, Putong sa pagkapahiya. |
3
|
Panustos sa kakulangan, Sa gipit ’king kalayaan; Sa hina ay kalakasan, Sa dilim kaliwanagan; Sa lungkot kaligayahan, Pagkabuhay sa kam’tayan. |
4
|
Lihim Bukal ng payapa, Sapat dibinong pagsinta; Sa Iyo ako’y nakakubli, Tamasa ang Iyong Sarili; Ikaw ay lahat-lahat ko, Tamasa’y hindi mahinto. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?