Nang nasa likas na tao
1
|
Nang nasa likas na tao, Dama ko’y malakas ako; Sarili di nakilala Na mahina! |
2
|
Sa sanlibutan namuhay, Akala’y lahat nataglay; Nagmalaki sa sarili, Nagpursigi. |
3
|
Nang sa dilim nananahan, Hindi batid kababawan, Abala’y walang hangganan, Kayabangan. |
4
|
Nang dumulog sa Iyong harap, Liwanag sa ’kin suminag; Di nakita noon, sadya Nahantad na. |
5
|
Nanliliit sa Iyong harap, Sariling lakas lumipas, Kapalaluan humina, Naging aba! |
6
|
Kabulaga’t kamangmangan Ang aking kapalaluan; Pinatigas kalul’wa ko, Mula puso! |
7
|
Maipagmalaki’y wala, Pag-asa’t sandigan wala; Magsisi, nakakahiya, Magdasal pa? |
8
|
Dugo naghugas sa sala, Ang buhay Mo nagpalaya. Marungis akong talaga, Nakakah’ya! |
9
|
Lahat ng palalo’y mangmang, Di batid katotohanan; Puso’y siya sa sarili. Nasa dilim! |
10
|
Tumahimik ako’y mali, Kumilos man, ako’y mali; Mahina na’t pawang bigo, Ganyan ako! |
11
|
Manalangin, mananalig, Sa Iyo lang ako’y sasandig; Puso mapabago nawa, Mahabag Ka! |