Hesus, ngalan Mo’y “Ako Nga”
1
|
Hesus, ngalan Mo’y “Ako Nga” Banal, mahalaga’t tunay, Ang kailangan ko ay nasa Lahat Mong taglay. |
2
|
Ama Ka at Anak kapwa, Kubli na Diyos, hayag na Diyos, Espiritung kasama nga, Ang nagtutustos. |
3
|
Tabernakulo’t templo Ka, Tahanan, k’hayagan ng Diyos; Yaman Niya’y aking tamasa, Makita ang Diyos. |
4
|
Kasintaha’t Kordero Ka, Pinatawad aking sala, Para sa akin nagdusa, Sa ’kin nagpala. |
5
|
Daan Ka at karunungan, Ayon sa Iyong kalooban, Ako ay biniyayaan, At ginabayan. |
6
|
Kabanalan, kat’wiran Ka, Kaisa’t kaayon ng Diyos, Ako’y matuwid, banal na, Kawangis ng Diyos. |
7
|
Ika’y ilaw at buhay pa, Nilulon ang kamatayan, Ako’y binuhay, lumaya Sa kadiliman. |
8
|
Lakas, muling-pagkabuhay, Winasak Mo ang libingan, Nang ako ay magtagumpay, May kalakasan. |
9
|
Buhay na tubig at manna, Tustos Kang nagpakababa, Uhaw, gutom ko’y pawi na, Kasarapan Ka. |
10
|
Manggagamot at Pastol Ka, Namatay para sa akin, Nagmahal at nag-alaga, At nagpagaling. |
11
|
Saserdote Ka at Hari, Sa Diyos ako’y dinala Mo, Kapangyariha’y bahagi Ko sa Iyong trono. |
12
|
Katubusan Ka’t pag-asa, Babaguhin ang anyo ko, Lubos kong maihayag Ka, Bilang wangis Mo. |
13
|
Kap’yapaan, l’walhati Ka, Salita, katotohanan, Araw, tahanan, biyaya, Bato, tanggulan. |
14
|
Walang-hanggan ang taglay Mo, Taas, lalim, luwang, haba! Yaman sa kasalatan ko, Nag-umapaw pa! |