Siya’y mag-isang nanalangin
1
|
Siya’y mag-isang nanalangin Sa gabing madilim; Saro ng poot inubos; Siya’y nagdusang lubos. |
Nag-iisa, Pasan Niyang mag-isa; Buhay Niya ay ibinigay, Nagdusa, nagdugo at namatay. |
|
2
|
Nag-iisang nakatayo, K’harap ni Pilato; Suot tinik na korona, Lahat, tinakwil Siya. |
Nag-iisa, Pasan Niyang mag-isa; Buhay Niya ay ibinigay, Nagdusa, nagdugo at namatay. |
|
3
|
Siya ay ipinako sa krus, Nang tao’y matubos; ’Tinakwil ng Diyos at tao, Siya’y nagsakripisyo. |
Nag-iisa, Pasan Niyang mag-isa; Buhay Niya ay ibinigay, Nagdusa, nagdugo at namatay. |
|
4
|
Pagsintang di mapantayan, Iyo bang tatanggihan? Siya ay Iyong pasalamatan, At huwag mo Siyang iwan. |