Panahon na nag-isa Ka

C92 E110 K92 T110
1
Panahon na nag-isa Ka!
Anong karimlan nga!
Ang bugtong na Anak ng Diyos
Para sa tao’y namatay
Nakapanlupaypay,
Poon ng glorya ’pinako,
Poon ng buhay nagdugo!
Panahon na nag-isa Ka!
Anong karimlan nga!
Ang bugtong na Anak ng Diyos
Para sa tao’y namatay
Nakapanlupaypay,
Poon ng glorya ’pinako,
Poon ng buhay nagdugo!
2
Buhay at kamatayan Niya,
Sadyang mahimala.
Ito’y sentro, walang hanggan,
Mga mata Siya’y titingnan.
Siya nga’y papurihan!
Poon, krus na Iyong pinasan,
Aking kapakinabangan.
Buhay at kamatayan Niya,
Sadyang mahimala.
Ito’y sentro, walang hanggan,
Mga mata Siya’y titingnan.
Siya nga’y papurihan!
Poon, krus na Iyong pinasan,
Aking kapakinabangan.
3
Nang tumingala sa krus Mo,
Puso ko’y nahipo;
Kamatayan sa kalbaryo
Nahayag ang pag-ibig Mo
Anong dusa sa Iyo!
Puso’y durog sa Iyong sabi:
“Eli lama sabachthani.”
Nang tumingala sa krus Mo,
Puso ko’y nahipo;
Kamatayan sa kalbaryo
Nahayag ang pag-ibig Mo
Anong dusa sa Iyo!
Puso’y durog sa Iyong sabi:
“Eli lama sabachthani.”
4
Dapat nga’y mamatay kami
Amin din ang ganti
Nguni’t Bugtong na Anak Niya
Pinasan sala’t nagdusa,
Katwiran nanghusga.
Napako ngang kasama Ka,
Namatay ngang kasama Ka.
Dapat nga’y mamatay kami
Amin din ang ganti
Nguni’t Bugtong na Anak Niya
Pinasan sala’t nagdusa,
Katwiran nanghusga.
Napako ngang kasama Ka,
Namatay ngang kasama Ka.
5
Kasama kaming nabuhay,
Nabuhay sa patay;
Ulo Ka’t kami’y Katawan,
Sa Diyos tayo ay kabilang,
Pala Niya’y nakamtan.
Kami noo’y nasa sumpa,
Ngayon tawag “Abba Ama“.
Kasama kaming nabuhay,
Nabuhay sa patay;
Ulo Ka’t kami’y Katawan,
Sa Diyos tayo ay kabilang,
Pala Niya’y nakamtan.
Kami noo’y nasa sumpa,
Ngayon tawag “Abba Ama“.