’Ko’y ibong maliit
1
|
’Ko’y ibong maliit, Sa hawla’y napiit, Gayunpama’y kumakanta Sa Kanyang nagpas’ya; Mabilanggo ma’y may tuwa, Pagka’t Diyos ko ay may siya. |
2
|
Wala ’kong magawa, Bu’ng araw kakanta; Sa awit ko nakikinig Siya, Bigyan lugod ko’y Siya; Aking pakpak binihag Mo; Pinakinggan Mo awit ko. |
3
|
Iyong tainga’y nakinig, Iyong puso’y umibig; Kahit nota ko’y magaspang, Iyo ring pinakinggan; Sapagka’t Iyong nababatid, Pag-ibig nga ang naghatid. |
4
|
Nakulong sa hawla, Di makalipad nga; Pakpak ko’y natalian Mo, Malaya puso ko; Bilangguan di ma’pigil, Kaluluwa di masiil. |
5
|
Ang pumailanglang Lampas sa bilangguan! Tungo sa Kanya, mahal ko, Sa Kanya mahal ko; Makita sa Iyong kalo’ban Saya ng ’king kaisipan. |