Sulong! ang sigaw ko
1
|
Sulong! ang sigaw ko, Sabay ang hakbang; Sa layon patungo, Lahat talikdan. Apoy na haligi, Tanglaw sa daan, Huwag mag-atubili, Kristo’y sa unahan. Sa ilang dumaan At sa labanan, Kita na’ng Canaan, Ang Sion maratnan. |
2
|
L’walhati’t l’walhati, Handa ng Ama; Mayro’n kang bahagi Kung mahal mo Siya. Di mo pa nakita, Di pa narinig, Handa Niyang sagana, Di pa naisip. Sulong, sulong hanggang Sa kaharian, Dating inasahan Ay katunayan. |
3
|
Sulong, malapit na Ang kaharian; Iyong matatamasa Ang kabaguhan. Putong mal’walhati Ang makamtan mo, Ika’y maghahari K’sama ni Kristo. Sulong! Iyong tapusin Ang paglalakbay, Lakas Niya’y gamitin, Magtatagumpay. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?