Hesus nang maisip Kita
1
|
Hesus nang maisip Kita At ang Iyong biyaya, Espiritu’y umaasa Ganda Mo’y makita. |
2
|
Kahit sa ilang dumaan, Uhaw, takot, lumbay, Tinik at dawag, saanman Dakong may kaaway. |
3
|
Pag-ibig Mo kay halaga, Talos ng puso ko, Nang biyaya’y nakilala, Nagpupuri sa Iyo. |
4
|
Buhay, lakas, at awit Ka, Bato at kalasag, Tuwing Kita’y magunita, Ako’y nagagalak. |
5
|
Hesus, kami’y ingatan Mo Mahigpit Kang sundan, Hanggang sa pagbabalik Mo, Mukha Mo’y mamasdan. |