Hesus, ang maisip Ka lang
1
|
Hesus, ang maisip Ka lang, Puspos nang tamis na; Higit kung masilayan Ka, Presensya’y pahinga. |
2
|
Hindi mahimig ng tinig, Puso’y di malaman, Katamisang labis ng Iyong Pinagpalang Ngalan! |
3
|
Pag-asa ng pusong bagbag, Galak ng maamo, Sa tisod at naghahanap, Napakabuti Mo! |
4
|
Di maipakita ninuman, Sa wika o pluma; Giliw lang Niya ang may batid Ng Kanyang pagsinta. |
5
|
O Hesus! Tanglaw ng lahat! Bukal ng buhay Ka! Lampas sa ’ming kagalakan, At sa aming nasa. |
6
|
Wala nang makapapawi, Sa ’ming kauhawan; Bukal Kang di mapipigil! Ang iba ay tigang. |
7
|
Hesus, tanging galak namin, Gantimpalang laan; L’walhati Ka namin ngayon, At sa walang hanggan. |