Hesus, t’wing maisip Kita
1
|
Hesus, t’wing maisip Kita Nang nasa lupa Ka: Sa tao’y mapagbiyaya, Sa Diyos tapat Ka nga. |
2
|
Pag-ibig Mo’y hamakin man, Daig kamatayan; Sibat sa Iyong tagiliran, Dugo’t tubig kamtan. |
3
|
Kahit lubha Kang nagdusa, Gawa Mo’y mabuti; Walang daing, tanggap Mo pa Lahat ng pighati. |
4
|
Tao’y taksil, ika’y tapat, Dilim siya, Ilaw Ka, Layunin ay Iyong tinupad, Kalo’ban ng Ama. |
5
|
Di Ka natinag sa dusa O lalang ng diyablo, Sa kamatayan, nag-isa, Walang karamay Mo. |
6
|
Nais kong makatulad Mo Sa Iyong kaamuan, Lahat sa Iyo ay matuto - May kapayapaan. |