Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Download limit reached

Diyos na pag-ibig at ilaw

PAGSAMBA SA AMA BILANG PAG-IBIG AT LIWANAG

Tagalog13
1
Diyos na pag-ibig at ilaw,
Sa Anak Ika’y buhay;
Inibig at tinanglawan
Kami’y binigyang buhay.
 
Pag-ibig at ilaw!
Sa Anak Ika’y buhay,
Inibig at tinanglawan
Kami’y binigyang buhay.
2
Ikaw Mismo ay pag-ibig,
Sa liwanag nakita;
Liwanag sa panlabas nga,
Sa panloob pag-ibig.
3
Ang pag-ibig sa biyaya
Ay lubusang nahayag,
Sa katotohanan naman
Nahayag ang liwanag.
4
Ang buhay ng Diyos natanggap
Dahil sa pag-ibig Mo;
Liwanag nagpaunawa
Nang magamit ang dugo.
5
Sa pag-ibig Mo ang buhay
Nagbigay salamuha;
Sa Iyong liwanag nakuha
Pag’linis, salamuha.
6
Mababatid pagpapahid
Sa liwanag at dugo;
Dadaloy lalo sa amin
Esensya ng buhay Mo.
7
Sa pag-ibig naisilang,
Tinatawag Kang Ama;
Sa ilaw, dilim pinawi,
Makawangis Niya kami.
 
Totoong liwanag!
Pag-ibig at biyaya!
Kami’y nagpapasalamat,
Pumupuri sa Ama!

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.

John Zairus Rubiano

Iloilo City, Iloilo, Philippines

Jul 13, 2025

Praise the Lord! God is love and light.

Read more