Haring Hesus ay batiin
1
|
Haring Hesus ay batiin! Nagdusa para sa ’tin, Hinamak at tinanggihan; Hatid ay katubusan; Dumaan sa kamatayan, Sala namin pinasan; Iyong proteksyon ’ming tamasa, Sa ngalan Mo’y may glorya. |
2
|
Kordero ng Diyos, Ikaw nga, Pinahiran ng Ama, Sala namin ay pinasan; Halaga’y binayaran; Patawad nami’y natamo, D’hil sa mahal na dugo; Nabuksan bagay ng langit Biyaya Mo’y sumapit. |
3
|
Lumuklok na may l’walhati, Ang Ama’y Iyong katabi; Naroon Ka para sa ’min, Sinasamba Ka namin. Do’n namamagitan sa ’min, Iyong pasan; lumbay namin. Namagitan para sa ’min, Hanggang glorya’y sapitin. |
4
|
Samba, dangal puri’t pala Karapat-dapat Ka nga, Ang pagbunyi’y huwag humupa, Tinig lakasan pa nga; Tayo ay magpapangita, ’Ming sasalubungin Ka; Galak nagmula nga sa Iyo, Tugon ng aming puso. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?