L’walhati kay Hesus -
1
|
L’walhati kay Hesus - Hirap inako; Galing sa ugat Niya, Dugo’y binubo. |
2
|
Biyaya’t buhay sa Dugo’y nakita; Awang pinagpala At masagana. |
3
|
Dugong umaagos, Di humuhupa, Ang tao’y tinubos, Sa pagdurusa. |
4
|
Dugo ni Abel, ang Samo ay ganti; Kay Hesus, patawad Ang isinukli. |
5
|
Budhi’y nawisikan, Puso’y malaya; Dyablo ay tatakas Sa pagkagitla. |
6
|
Mundo’y nagdiriwang At nagpupuri; Anghel nag-’awitan At nagbubunyi. |
7
|
Tinig ninyo’y laksan, O mga banal; Bigyan ng papuri, Dugo Niyang mahal. |