Bakit ako mangangamba
1
|
Bakit ako mangangamba? Di ba ang Diyos ang nagpasiya, Sala ko’y pasanin? Kristo’ng nagbayad ng utang, Diyos ba’y muling mag’paratang, At ako’y singilin? |
2
|
Ang Panginoo’y nagtubos, Kabayaran ay nalubos, Lumaya sa utos! Poot ng Diyos—di na takot, Pagka’t dugo Niya’y panagot Tinakpan nang lubos. |
3
|
Patawad para sa akin Buung-buo Iyong naangkin, Sala ay tinuos; Di sisingil sa dalawa Ang Diyos: sa Anak Niyang sinta, Sa ’kin pagkatapos. |
4
|
Ngayon ako’y matiwasay, Gawa ni Kristo’y mahusay, Ako’y pinalaya; Dahil sa mabisang dugo, Di na hahatulan ako, Ako’y natubos na. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?