Zum Inhalt springen
hymnal.net
hymnal.net
Meine Lieder

Ako’y nagagalak sa ’ting Ama

KATIYAKAN AT KAGALAKAN NG KALIGTASAN MINAHAL NG PANGINOON

Tagalog291
1
Ako’y nagagalak sa ’ting Ama,
Nilahad pag-ibig Niya sa Bibl’ya;
Pambihirang bagay ang natalos:
Kay giliw, mahal ako ni Hesus.
 
Ako’y nagagalak nang lubos,
Ako ay mahal ni Hesus;
Ako’y nagagalak nang lubos,
’Ko’y mahal ni Hesus.
2
Malimot ko man Siya’t gumagala,
Mahal pa rin Niya kahit nawala;
Babalik sa Kanyang mga bisig,
’Pag maalala Kanyang pag-ibig.
 
Ako’y nagagalak nang lubos,
Ako ay mahal ni Hesus;
Ako’y nagagalak nang lubos,
’Ko’y mahal ni Hesus.
3
Kung aawiti’y iisang himig,
Sa aking Haring kaibig-ibig;
Ang awit kong di na matatapos,
“Kay hiwaga, ’ko’y mahal ni Hesus”
 
Ako’y nagagalak nang lubos,
Ako ay mahal ni Hesus;
Ako’y nagagalak nang lubos,
’Ko’y mahal ni Hesus.

Kommentar löschen

Diesen Kommentar löschen? Das kann nicht rückgängig gemacht werden.