Ang buhay na umaagos
1
|
Ang buhay na umaagos, Hatid ay ebanghelyo; Dahil sa ’ting patotoo, Maliligtas ang tao. |
Buhay Mo ay paagusin, At mahayag sa akin; Sisidlang ito’y gamitin, Mga tao’y buhayin. |
|
2
|
’To’y sa patunay ng buhay, Tao ay mananalig; Sa pagdaloy ko ng buhay, ’To’y kanyang makakamit. |
3
|
Sa Panginoon umugnay, Mamunga bilang sanga; Kristo sa agos ng buhay, Bahaginan ang iba. |
4
|
Nawa’y aking pamumuhay Pagpahayag ng Kristo; Itanim binhi ng buhay, Hindi lang pagtuturo. |