Mas malalim, ako ay papunta
1
|
Mas malalim, ako ay papunta; Sa krus ni Hesus; Kamatayan, buhay magkasama; Laliman’ng agos. O aking dalangin, Nawa ay lumalim; Kumilos sa amin, Kabaguha’y tamuhin. |
2
|
Mas mataas, sa buhay ni Hesus; Kami’y mababa. Sa ’Yong buhay ay mapapataas - Tumaas nawa. O aming dalangin - Kami ay baguhin - Daloy payamanin Buhay Mo ay kilanlin. |
3
|
Lumalago, sa ’tin lumalago, Siya araw-araw. Paraan Niya sa ’ting pamumuhay - Ang umagos Siya. Aming panalangin; Paglago’y lubusin. Di sapat alamin; Iyong buhay palaguin. |
4
|
Namumuhay sa ’ting pamumuhay, Kristo’y praktikal: Munti, malaki, anumang bagay - Siya ay kasama. Sa bawa’t paraan, Kristo’y ipamuhay; Tawagin ang ngalan, Iyong lahat ay ibigay. |
5
|
Ang Persona, Hesus ’ting Persona, Buhay sa atin. Siya’y ating lasa, gawi at gawa; Anong l’walhati! O aming Persona; Sa puso’y manahan. Bilang aming buhay Bawa’t araw at daan. |
6
|
Sa ekklesia, sa mga ekklesia Daloy nakita: Bilang ’ting pamumuhay si Kristo, Tayo’y lalago. Ang mga ekklesia Tangi si Kristo lang. Sarili’y bawasan, Lumago sa Katawan. |
7
|
Pagtatayo ating makikita Sa ekkle-si-a: Daranasin nga natin si Kristo - Tanging daa’y Siya. O kami’y itayo, Sa buhay lumago. Gawin kaming tao Ng Herusalem Bago. |
8
|
Darating na, para sa Sinta Niya, Hesus darating; Sa mga ekklesia’y naghahanda Mapal’walhati! Panginoong Hesus, Bumalik ka muli! Aming purihin Ka, Bumalik! Hesus! Amen! |