Tanggapin Mo aming awit
1
|
Tanggapin Mo aming awit, Mahina man ang tinig; Manliligtas mabiyaya, Ika’y aming itala. |
2
|
Sa l’walhating mayaman Ka, D’hil sa ’min bumaba; Upang sa Iyong pagkadukha, Kami ay managana. |
3
|
Pinighati ba ng langit? Lupa sa Iyo’y umakit? Kaya langit Iyong nilisan Mapuntang kamatayan? |
4
|
Anong l’walhati sa langit! Sa lupa’y napighati! Talos Mong magdurusa Ka, Binata d’hil sa sinta. |
5
|
Kapag naisip buti Mo, Hiya’t galak naghalo; Hiya d’hil pagganti’y wala, Galak sa Iyong pagsinta. |
6
|
Yaong Araw ’asam ko nga, Sa balakid lalaya. Papasok kami sa glorya, Aming paglingkuran Ka. |
7
|
Ngayon kami naghihintay. Sa pag-asa nagbantay; Nabubuhay para sa Iyo. Hanggang makasama Mo. |