Malaon nang naghahanap ng bukal
1
|
Malaon nang naghahanap ng bukal, Di-matuyong batisan; Walang bisa ang sa lupa’y magpagal, Wala ring kasiyahan. |
Iniinom ko ang tubig ng buhay, Sa bukal, di-matuyong batisan; Kagalakang tunay, Walang katapusan Umiinom ng tubig ng buhay. |
|
2
|
Sa ilang ng sala’y di na gagala, Bukal natagpuan na, Kagalakan ko’y umapaw’t bumaha, Kristo ang nagpasaya. |
Iniinom ko ang tubig ng buhay, Sa bukal, di-matuyong batisan; Kagalakang tunay, Walang katapusan Umiinom ng tubig ng buhay. |
|
3
|
Kasiyahan ay lalong tumatamis, Kay Kristo may pahinga; Kaaliwan dito ay labis-labis, Ako ay pinagpala. |
Iniinom ko ang tubig ng buhay, Sa bukal, di-matuyong batisan; Kagalakang tunay, Walang katapusan Umiinom ng tubig ng buhay. |
|
4
|
Walang tigil ang pagtutustos dito, Sa biyaya’y maligo; Sa bukal na nagpapagaling mismo, Mamamalagi ako. |
Iniinom ko ang tubig ng buhay, Sa bukal, di-matuyong batisan; Kagalakang tunay, Walang katapusan Umiinom ng tubig ng buhay. |
1
Santa Rosa City, Laguna, Philippines
Amen