Mga banal, kay tibay na saligan
1
|
Mga banal, kay tibay na saligan Ang Salitang sinampalatayanan! Ti-yak Niya kayong pinapangakuan, Kayong lumapit kay Hesus, kanlungan. |
2
|
Huwag kang matakot, Ako’y iyong kasama, Ako ang Diyos mong laang sumaklolo; Palalakasin ka, tutulungan ka, Hahawakan ka ng mga kamay Ko. |
3
|
Sa lalim ng tubig kung suguin ka Sa agos ng ilog, walang pangamba; Sa mga pagsubok Ako’y kasama, Sa iyong dusa ma’y babanalin kita. |
4
|
Maapoy man ang pagsubok sa iyong daan, Sapat ang biyaya Kong ibibigay; Apoy man nito’y di ka masasaktan, Kundi sa Iyo’y paglinis, pagdalisay. |
5
|
Kalulwang kay Kristo’y namamahinga Hindi Ko iiwan sa kabaka niya. Kahit ang Hades ay pangatugin siya, Ako’y hinding-hindi magpapabaya! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?