Malaon nang naghahanap ng bukal

B188 C254 CB322 E322 F62 G322 K254 P176 R245 S155 T322
1
Malaon nang naghahanap ng bukal,
Di-matuyong batisan;
Walang bisa ang sa lupa’y magpagal,
Wala ring kasiyahan.
Malaon nang naghahanap ng bukal,
Di-matuyong batisan;
Walang bisa ang sa lupa’y magpagal,
Wala ring kasiyahan.
 
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
2
Sa ilang ng sala’y di na gagala,
Bukal natagpuan na,
Kagalakan ko’y umapaw’t bumaha,
Kristo ang nagpasaya.
Sa ilang ng sala’y di na gagala,
Bukal natagpuan na,
Kagalakan ko’y umapaw’t bumaha,
Kristo ang nagpasaya.
 
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
3
Kasiyahan ay lalong tumatamis,
Kay Kristo may pahinga;
Kaaliwan dito ay labis-labis,
Ako ay pinagpala.
Kasiyahan ay lalong tumatamis,
Kay Kristo may pahinga;
Kaaliwan dito ay labis-labis,
Ako ay pinagpala.
 
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
4
Walang tigil ang pagtutustos dito,
Sa biyaya’y maligo;
Sa bukal na nagpapagaling mismo,
Mamamalagi ako.
Walang tigil ang pagtutustos dito,
Sa biyaya’y maligo;
Sa bukal na nagpapagaling mismo,
Mamamalagi ako.
 
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
Iniinom ko ang tubig ng buhay,
Sa bukal, di-matuyong batisan;
Kagalakang tunay,
Walang katapusan
Umiinom ng tubig ng buhay.
1
Renato Haro

Santa Rosa City, Laguna, Philippines

Amen