Ngalang Hesus anong tamis

1
Ngalang Hesus anong tamis
Sa pandinig namin,
Pinaparam ang pighati,
Takot pinapawi.
2
Sa sugatang espiritu
Nagpapagaling ’to;
Sa pagod na kaluluwa
Ito ang pahinga.
3
Minamahal na Pangalan!
Ang Batong saligan;
Hindi maubos na yaman,
Kalasag, kublihan.
4
Hesus, ang Tagapagligtas,
Pastol, Buhay, Landas,
Tanggapin aming papuri,
Saserdote’t Hari.
5
Mahina man ang pag-ibig,
Paglingap malamig,
Nguni’t nang Ika’y makita
Sadyang mapuri Ka.
6
Iyong pag-ibig ipagbunyi
Hanggang buhay kami;
Nagwawagi sa Iyong Ngalan
Daig kamatayan.
(Ulitin ang huling dalawang linya ng bawa’t saknong)