Nahayag sa Anak Iyong pagsinta
Nahayag sa Anak Iyong pagsinta
1
|
Nahayag sa Anak Iyong pagsinta, Papurihan Iyong Ngalan, Diyos Ama. Kanyang hinamak ang kahihiyan. Upang matupad Iyong kalooban. |
2
|
Nanguna sa maraming kapatid, Panganay na Anak sa pag-awit. May ’tinaas Niyang tinig nagpuri, Sa ’spiritu nagpuri rin kami! |
3
|
Sa Sinisintang Anak pinili, Sa Iyong kagalaka’y may bahagi; Bago pa ng mundo’y naitakda, Makabahagi sa buhay, b’yaya. |
4
|
Mga nagtamo ng pag-ibig Mo Sa ’spiritu’y lubusang nabago. Bawa’t isa may katangian Niya, Walang hanggang galak ay sa Kanya. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?