Aller au contenu
hymnal.net
hymnal.net
Mes chants

Iyong kaluguran, O Diyos

PAGSAMBA SA AMA SA KANYANG BIYAYA SA PAGKA-ANAK

Tagalog46
1
Iyong kaluguran, O Diyos,
Kay Kristo’y natalos.
O biyayang mayaman.
Sukat walang hanggan!
Bilang Tao sa langit,
Sa Iyo Siya’y sumapit;
L’walhati Mo’y natuon,
Sa Kanyang Iyong layon.
2
Pag-ibig nakikita,
Sa Kanya ngang mukha.
Liwanag sumisilay,
Sa Kanya ngang buhay
Liwanag at pagsinta,
Tinanghal ang Ama;
Biyaya’y naihayag,
Bahagi ay Anak.
3
Pinagmulan ng lahat,
Pagpapala’t galak!
Masayang mga banal,
Ngalan Mo’y itanghal!
Bawa’t puso’y nagpuri,
Sa kapuri-puri.
Bawa’t tinig sumamba,
Ang Diyos ay pagsinta!

Delete Comment

Supprimer ce commentaire ? Cette action est irréversible.