Pag-ibig Mo’y hindi ko malirip
1
|
Pag-ibig Mo’y hindi ko malirip, Nguni’t, Panginoon, aking isip, Ang luwang, haba nais malaman, Taas, lalim nito’t kalakasan Nang lubusan. |
2
|
Pag-ibig Mo’y higit sa masaysay, Panginoon, ang labi kong taglay, Magpapahayag ng Iyong pag-ibig Sa makasalanang may tigatig Iyong sinagip. |
3
|
Pag-ibig Mo’y higit sa mapuri, Panginoon, ang puso ko’y tangi, Aawit sa puspos Mong pag-ibig, Tulad kong salarin ay naantig Tungo sa Diyos. |
4
|
Pag-ibig Mo—kahit di-masukat, Di-mabigkas, mapuri nang sapat, Hungkag na puso’y dadalhin sa Iyo, O batis na buhay, pag-ibig Mo, Pun’in ako. |
5
|
Ako’y isang hungkag na sisidlan, Kainlanma’y di Kita hinangaan, Sa Iyo muli’t muling makalapit, Habag, biyaya’y aking makamit, Inibig Mo. |
6
|
Ako’y punuin ng pag-ibig Mo, Sa ilog na buhay dalhin ako, Payak akong nanampalataya, Hindi ako lalapit sa iba, Kundi sa Iyo. |
7
|
At sa luklukan Mo, Panginoon, Ang Iyong mukha’y makita ko roon, Ang luwang, haba ng pag-ibig Mo, Ang taas, lalim at lakas nito, ’Awitin ko. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?