Pag-ibig ng Kaibigan ko
1
|
Pag-ibig ng Kaibigan ko Sa aki’y higit sa lahat, Taas higit pa sa bundok, Ang lalim higit sa dagat. Tunay, tapat, taimtim Siya; Bago pa mundo’y nilikha Purihin—’ko’y minahal na! |
2
|
Nasa kataas-ta’san Siya, Hukbong anghel sumasamba, Dahil sa Kanyang pagsinta, Iniwan ang luklukan Niya; Hinanap Niya ang nawala, ’Tinakwil lahat, nagdusa, Purihin—’ko’y hinanap Niya. |
3
|
Sa daan Siya’y nag-iisa, Walang kasama’t alalay, Ang pighati at lungkot Niya, Siya at Diyos tanging may malay. Walang hinto Siyang tumungo Sa abang kalagayan ko, Purihin—nakita Niya ’ko. |
4
|
Dumating ang trahedya nga, Nang ipinagkanulo Siya, Tinik ang nasa ulo Niya, Nilatigo at dinusta, Sa halip ko, Siya’y nagdugo At namatay sa Kalbaryo, Purihin—tinubos Niya ’ko. |
5
|
Habang buhay ko’y awitin, Pag-ibig Niya kay hiwaga, Sa piling Niya ako’y dalhin, Manahan sa harapan Niya; Ang mukha Niya ay makita, Ako’y pupuri’t sasamba, Purihin—mahal ko rin Siya. |
1
Iligan, Buru Un, Philippines
I always am happy.