Yaman ng Tagapagligtas
1
|
Yaman ng Tagapagligtas, Di-malirip, malawak; Kapuspusan ng Pagka-Diyos, Maranasan nang payak. |
Yaman ng Tagapagligtas, Sa akin nakalaan; Bagama’t hindi masukat, Aking katotohanan! |
|
2
|
Yaman ng Tagapagligtas, Sa lahat sumasakop; Buhay, liwanag, at lakas, Dunong, aliw, at kupkop. |
3
|
Katubusan, kaligtasan, At pagkabuhay-muli; Nagpapabanal sa tanan, At lumuluwalhati! |
4
|
Yaman ng Tagapagligtas - Persona, pag-aari; Mismong Diyos ang aking lahat, Puso ko’y nabighani. |
5
|
Yaman ng Tagapagligtas, Di masukat, gayunman; Luwang, haba, lalim, taas, Ay aking kagalakan. |
6
|
Walang hanggang mga yaman, Nawa’y aking malaman; Kristo’y ganap maranasan, Ang iba’y bahaginan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?