Kay Adam ay kamatayan at sala
1
|
Kay Adam ay kamatayan at sala, Buhay at kat’wiran ay kay Kristo nga; Sa laman si Adam ang nabubunyag, Si Kristo sa ’spiritu nahahayag. |
2
|
Kay Adam sa kamatayan ang punta, Di man magkasala’y nahatulan na; Kay Kristo ako’y inaring-matuwid, Hindi na kailangang magpakatuwid. |
3
|
Kusa kong maihahayag sa laman, Ang pagkamakasalanan ni Adam; Walang hirap sa Espiritu Santo, Na ako’y mamuhay gaya ni Kristo. |
4a Sa kamatayang kalakip ni Kristo, Mula kay Adam napalaya ako; Sa kabuhayang kalakip ni Kristo, Ang bagong buhay ay aking natamo. |
|
4b Walang magagawa ang lumang Adam, Kung wala ang pag-iisip sa laman; Pagtuon ng isip sa espiritu, Buhay dibino’y napatunayan ko. |
|
5
|
Pagtuon ng isip sa espiritu, Kaligtasan ng Diyos ang daang ito, Maihayag ko ang buhay ni Kristo; Tagumpay sa sala magagawa ko. |
6
|
Pagtuon ng isip sa espiritu, Krus at muling pagkabuhay batid ko; At aking naibubuhay si Kristo, Ang dulot ay paglago sa buhay ko. |
7
|
Sa espiritu, si Kristo ang buhay, Pagpapala’t kalakasan ay taglay; Kabanala’y aking nararanasan, Tres-unong Diyos naging katotohanan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?