O maluwalhating Kristo
1
|
O maluwalhating Kristo, Tunay Kang liwanag dibino, Ika’y Diyos sa kawalang-hanggan, Naging taong may hangganan. |
O! Kristo, kahayagan ng Diyos, Kayamanang di maubos; Diyos sa tao’y naihalo, Nang maging lahat-lahat ko. |
|
2
|
L’walhati inihayag Mo, Kapuspusan ng Diyos nasa Iyo; Sa laman, pagtubos gawa Mo, Sa ’Spiritu kaisa ko. |
3
|
Lahat ng sa Ama’y I-yo, Tinanggap naman ng ’Spiritu; Sa ’kin Siya ang katotohanan, Nang Kita’y mararanasan. |
4
|
Sa akin Ka ibinigay Ng Iyong Espiritu ng buhay, Iyong Salita’y aking natamo, Sa ’kin ’tinakda buhay Mo. |
5
|
Habang Kita’y minamasdan, Pagbabago’y aking nakamtan; Gaya’y salaming nag-’aninag, L’walhati Mo’y naihayag. |
6
|
Walang ibang daang sakdal Upang ako ay mapabanal; Makibahagi sa tagumpay, Kundi mahipo Kang tunay. |
7
|
Espiritu Mo’y puspusan, Ang aking buong katauhan; Nang maligtas sa lumang tao, Tahanan Mo’y maitayo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?