Hindi ako, kundi si Kristo lamang
1
|
Hindi ako, kundi si Kristo lamang, Pinarangal, inibig, sinamba; Hindi ako, kundi si Kristo lamang Sa salita, sa isip, at gawa. |
Iligtas ako sa sarili, Nawa’y mapasa Iyo, Nawa’y di na ako, kundi Mabuhay si Kristo. |
|
2
|
Kristo lamang, ang umaliw sa akin, Kristo lamang, nagpahid ng luha; Kristo lamang, nagbuhat ng pasanin, Kristo lamang, nagpawi ng kaba. |
3
|
Kristo lamang, di ang hungkag na wika, Kristo lamang, di kapalaluan; Sarili ko’y hindi pinadakila, Kristo lamang, ako’y hinalinhan. |
4
|
Kristo lamang, ang tustos sa kailangan, Kristo lamang, aking kalusugan; Kristo lamang, sa buong katauhan, Buhay Niya ay sa akin namasdan. |
5
|
Kristo lamang, malapit nang makita, L’walhati Niya ay walang katulad; Kristo lamang, tinupad aking nasa, Kristo lamang, aking lahat-lahat. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?