Kristo ang tanging katotohanan

B288 C374 CB496 E496 F85 G496 K374 P233 R347 S210 T496
1
Kristo ang tanging katotohanan
Ng Pagka-Diyos, tao’t bagay—tanan;
Kung wala Siya, Diyos di matagpuan,
Lahat man ay kasinungalingan.
Kristo ang tanging katotohanan
Ng Pagka-Diyos, tao’t bagay—tanan;
Kung wala Siya, Diyos di matagpuan,
Lahat man ay kasinungalingan.
2
Mga sagisag, mga larawan,
Malaki’t maliit na kailangan,
Anino lamang ni Kristong tunay,
Sa akin Siya ang lahat ng bagay.
Mga sagisag, mga larawan,
Malaki’t maliit na kailangan,
Anino lamang ni Kristong tunay,
Sa akin Siya ang lahat ng bagay.
3
Hungkag ang mga bagay at gawa,
Kung di Kristo’ng pumuspos sa gitna;
Buong mundo ma’y aking makamtan,
Kung walang Kristo, may kakulangan.
Hungkag ang mga bagay at gawa,
Kung di Kristo’ng pumuspos sa gitna;
Buong mundo ma’y aking makamtan,
Kung walang Kristo, may kakulangan.
4
Kristo’y tunay na Diyos, Panginoon,
Tunay na liwanag, saan naroon,
Damit kong tunay, tubig na buhay,
Aking panlasa at aking buhay.
Kristo’y tunay na Diyos, Panginoon,
Tunay na liwanag, saan naroon,
Damit kong tunay, tubig na buhay,
Aking panlasa at aking buhay.
5
Teolohiya o doktrina man,
Kristo’ng dapat na katotohanan,
Kung walang Kristo hungkag ang alam,
Maging Biblia’y pawang titik lamang.
Teolohiya o doktrina man,
Kristo’ng dapat na katotohanan,
Kung walang Kristo hungkag ang alam,
Maging Biblia’y pawang titik lamang.
6
Kristo ang katunayan ng tanan,
Ng panahon, dako, at anuman;
Kristo ang tanging katotohanan,
Walang hanggan, walang katapusan.
Kristo ang katunayan ng tanan,
Ng panahon, dako, at anuman;
Kristo ang tanging katotohanan,
Walang hanggan, walang katapusan.