Ika’y Anak walang-hanggan
1
|
Ika’y Anak walang-hanggan, Panlahat ang kamatayan, Kaisang espiritu Mo At buhay aking natamo. Kaisa sa Anak sinta, Tagapagmana ng Ama, Ako’y naging bahagi Mo, Tahanan ng Espiritu. |
2
|
Kaisa Mo, Anak-tao, Bahagi ng Katawan Mo, Sa pagsilang Mo’y kasabay, Kalakip sa paglalakbay. Pinahiran, kaisa Mo Tumanggap ng Espiritu, Bawa’t oras, bawa’t araw, Kasama Mong gumagawa. |
3
|
Itinakwil na Anak Ka, Hinatulan, isinumpa, Kamatayang kalakip Mo, Hades at sala’y tinalo. Sa pagkabuhay kai-sa Mo, Kamatayan Iyong tinalo; Namuhay sa kabaguhan Namunga ng katuwiran. |
4
|
Kai-sa, Anak na umakyat, Sa trono’y higit sa lahat, Taglay Mong kapangyarihan Ay akin ding katayuan. Kai-sa, Anak na babalik, Sa l’walhati at paglapit Ng Iyong mahal na presensiya, Magpakailanman kaisa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?