Mga sagisag no’ng una
1
|
Mga sagisag no’ng una, Mga larawan Mo nga; Mga tipo at simbolo, Ika’y sa ’mi’y totoo. ’Pag tiningnan ang larawan, Ikaw ay hahangaan, Kahanga-hangang Iyong yaman, ’Samba namin Iyong tanan! |
2
|
Pangin’on tunay Kang Paskua, Kami’y nilampasan Niya; Sa Iyong Sarili’t pagtubos, Kami’y nagkai-sa ng Diyos. Ika’y Kordero ng Diyos din Upang kami’y tubusin Aming pantubos dugo Mo, Ikaw ri’y pagkain Ko. |
3
|
Makalangit na tinapay, Tinapay rin ng buhay; Kami nga’y humalo sa Iyo, Makabahagi sa Iyo. Ang Kordero at Tinapay, Sagisag Ika’y buhay; Sa harap Mo nagpipiging Yaman Mo’y tamasahin. |
4
|
Mannang makalangit Ikaw, Pagkain araw-araw; Panustos at pampalakas, Kailangan ko’y may lunas. Batong buhay Ka rin, Hesus, Bitak, buhay umagos; Inuman tubig ng buhay, Di na muling mauhaw. |
5
|
Mabuting lupang Canaan, Mataas at mayaman; Gatas, pulot umaagos, Sagana di maubos, Sa yaman Mo, tungo sa Diyos. Pagsamba nami’y lubos; Sa pag-ibig magka-ugpong Pagtatayo’y susulong. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?