Marami ang sumisiksik sa kaharian
1
|
Marami ang sumisiksik sa kaharian, Nguni’t sa krus kakaunti ang pumapasan; Sakim sa biyaya, mundo’y hindi matakwil; Nais pagpalain ng Diyos, sa Diyos ay suwail. |
2
|
Marami ang naghahangad ng luwalhati, Sa kadustaa’y walang makikibahagi; Ibig ay maghari, nguni’t ayaw malugi - Para kay Kristo, ituring lahat na dumi. |
3
|
Marami ang kumakain sa Kanyang hapag, Subali’t sa pag-ayuno walang kaharap; Di mabilang ang umawit na kasama Niya, Subali’t sa pagbabantay ay halos wala. |
4
|
Kung inihanda ng Panginoon ang lahat, Sila’y magpupuri at magpapasalamat, Nguni’t kung ang Panginoon ay makikiusap, Uutusan lamang ay tumututol agad. |
5
|
Nguni’t ang mga umibig sa Panginoon, Dalita o pagpapala di tinatanong, Handang ialay kanilang buhay at dugo, Bigyan Mo ako ng pag-ibig tulad nito. |