Kunin Mo aking buhay

1
Kunin Mo aking buhay,
Ito’y aking in’alay;
Aking araw, sandali,
Sa Iyo ako’y pupuri.
  Hinamak Ka dahil sa akin;
Kusang nagdugo’t namatay rin.
Sa Iyo ’binuhos buhay ko’t pagsinta,
Paglilingkuran Kita.
2
Kunin paa ko’t kamay,
Sa gawa Mo’y igabay.
Iyong angkinin labi ko,
Ihayag Salita Mo.
3
Kunin pilak ko’t ginto;
Kunin nang walang hinto.
Kunin ang talino ko,
Iyong gamitin nang husto.
4
Puso’t isip ko’y sa Iyo;
Iyo lamang mga ito.
Pag-ibig ko’y kunin Mo,
Sa Iyo ibuhos ito!
5
Hesus, kunin Mo ako
Hanggang makaisa Mo.
Kunin Mo sarili ko,
Ako ay para sa Iyo.
1
phil

WI, United States

awesome song. thanks for multiple translations. makes people feel united in some way at least.