Ako’y ginapos ng kasalanan
1
|
Ako’y ginapos ng kasalanan, Tila aliping nagpumiglas; Nguni’t nagkaro’n ng kalayaan, Nang Hesus gapos ko’y kinalas. |
Layang marangal, layang magilas, Sa sala’y di muling maumang! Hesus ang aking Tagapagligtas, Siya ay akin magpakailanman. |
|
2
|
Ligtas sa pita at kahalayan, Ligtas sa inggit, alit, suklam; Ligtas sa pangmundong karangyaan, Sa buhay walang kabuluhan. |
Layang marangal, layang magilas, Sa sala’y di muling maumang! Hesus ang aking Tagapagligtas, Siya ay akin magpakailanman. |
|
3
|
Ligtas sa katigasa’t sarili, Ligtas sa sulsol ng salapi; Ligtas sa utos, pagkakatali, Sa kalayaan nabighani. |
4
|
Ligtas sa aking pagkabalisa, Ligtas sa takot at pangamba; Kay Kristong Manunubos, malaya, Pagka’t gapos ko ay sinira. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?