Espiritu ng buhay nasa atin
1
|
Espiritu ng buhay nasa atin, Sa loob pampawi sa uhaw natin; Atin Siyang iinumin nang mapuspos, Mula sa ating loob Siya’y aagos. |
2
|
Ang Espiritu ng kapangyarihan, Tulad sa balabal tayo’y daramtan, Sa Kanya tayo ay nabautismuhan, Upang Siya ay ating mapaglingkuran. |
3
|
Espiritu ng buhay ay hininga, Sa loob natin ito’y inihinga; Ang Espiritu ng kapangyarihan, Tulad ng hangin tayo’y hinihipan. |
4a Ang bumangon na Poong Hesu-Kristo, Hiningahan Niya mga disipulo, Noong araw ng muling-pagkabuhay; Ng l’walhating Espiritu ng buhay. |
|
4b Ang Panginoong Hesus na umakyat, Ibinuhos Niya sa mga alagad, Ang Espiritu ng kapangyarihan Sa Pentecostes, Pista ng Anihan. |
|
5
|
Nasa loob, Espiritu ng buhay, Ng mga disipulo bilang buhay; Ang Espiritu ng kapangyarihan Para sa buhay tayo’y dinulutan. |
6
|
Itong Espiritu hindi dalawa Ni magkahiwalay, ni magkaiba; Isang Espiritu dalawang gamit - Pamuspos ng buhay at pananamit. |
7
|
Panginoon, loob nami’y puspusin, Buhay Mo sa amin ay palaguin; At damitan ng Iyong kapangyarihan, Kalooban Mo’y bigyang katuparan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?