Skip to content
hymnal.net
hymnal.net
My Songs

Download limit reached

Ngayo’y awit pasalamat

PAPURI SA PANGINOON SA KANYANG KABUTIHAN

Tagalog168
1
Ngayo’y awit pasalamat,
Tinig ko sa Iyo itaas;
Mga banal kasama ko
Papurihan ang gawa Mo.
 
At awit paiilanlang,
Ito ay paiilanlang,
Na Tagapagligtas ko nga
Mainam lahat ng gawa!
2
Kay dakila at malaya
Pag-ibig sa ’king maysala;
Ligtas sa apoy ng dusa
Gawa Mo Diyos, anong ganda!
 
At awit paiilanlang,
Ito ay paiilanlang,
Na Tagapagligtas ko nga
Mainam lahat ng gawa!
3
Nang mabatid pag-ibig Niya,
Napatunayan habag Niya;
Awa lampas sa papuri
Gawa Mo Diyos, anong buti!
 
At awit paiilanlang,
Ito ay paiilanlang,
Na Tagapagligtas ko nga
Mainam lahat ng gawa!
4
Sa araw na pa’ilanlang
Kasama sa pag-awitan;
Aking awit, ito pa rin,
Gawa Mo Diyos, anong galing!
 
At awit paiilanlang,
Ito ay paiilanlang,
Na Tagapagligtas ko nga
Mainam lahat ng gawa!

Delete Comment

Delete this comment? This cannot be undone.